LABINGTATLONG Pinoy ang tumawid sa Polish border matapos lumikas sa Ukraine na nasa ilalim ng pag-atake ng puwersa ng Russia.
Nasa Poland na rin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. upang salubungin ang mga nagsilikas sakay ng bus mula Lviv.
Kasama ng grupo mula Lviv si Ambassador Leah Basinang-Ruiz na nanguna mula sa loob ng Ukraine.
Apat na oras ang ibiniyahe ng grupo patungong Warsaw.
Ang tulong ay bahagi ng panuntunan ng DFA na tiyaking ligtas ang lahat ng Pinoy na naiipit sa krisis sa naturang mga bansa.
Pinaalalahanan din ng DFA ang mga Pinoy na mag-ingat ang panatilihing bukas ang komunikasyon sa Philippine Embassy team sa Lviv o sa Consulate General sa Kyiv sakaling mangailangan ng tulong.
Naglathala rin ang DFA sa mga Pinoy na mangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Poland sa mga sumusunod na contact details:
Email: (warsaw.pe@dfa.gov.ph)
Emergency Mobile Number +48 604 357 396
Office Mobile Number +48 694 491 663
Philippine Honorary Consulate General in Kyiv, Ukraine
Mobile Number +380 67 932 2588
Samantala, ang mga nangangailangan ng tulong malapit sa Moldova at Romania border ay maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest sa mga contact details na:
Hungary
Budapest PE emergency hotline
+36 30 202 1760
ATN Officer Claro Cabuniag
+36 30 074 5656 (mobile)
+63 966 340 4725 (viber)
Moldova
Consul Victor Gaina
Mobile number (also WhatsApp no.(sad) +37369870870 or email addresses: victor.gaina@phconsulate.md or consul@phconsulate.md
