Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Metro

Barkadahan partylist nagsagawa ng malakihang rally sa Quezon City

Metrosundaily February 27, 2022

Naging matagumpay ang idinaos na rally ng Barkadahan Partylist sa pangunguna ni first congressional nominee Ren Pasco.

NAGSAGAWA ng grand rally ang Barkadahan Partylist, ang boses ng masa sa gobyerno, kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa Quezon City sa pangunguna ng first congressional nominee nito na si Ren Pasco.

Sinabi ni Pasco sa kanyang talumpati, na buong puso siyang naniniwala na walang Pilipino ang itinadhana na maging mahirap.

Ang pag-ahon mula sa hirap ay mula sa sariling determinasyon, ngunit kailanman, walang sinuman ang nakaangat mula sa laylayan nang mag-isa, kailangan nya ng kasama.

Sa kanilang ginawang pag-ikot noong mga nakaraang buwan, pakikipag-usap, pakikipag-kwentuhan, at pakikipag-damayan sa mga kababayan, ang laging suliranin na idinudulog sa kanila ng bawat pamilyang Pilipino ay ang kawalan ng trabaho at hanapbuhay.

Kaya naman isa sa focus ang Barkadahan Partylist ay ang magkaroon ng programa sa trabaho at kabuhayan. Hinahangad din nila na magkaroon ng joint programs sa Department of Labor and Employment para sa MSME o Micro Small Medium scale Enterprises upang mabigyan ng sapat na tulong na magpapaangat sa lokal na produkto.

Idinagdag pa ni Pasco na gusto nilang magkaroon ng program para sa pamilya ng mga OFWs na siyang magtuturo sa financial literacy upang hindi masayang ang pinaghirapan ng kanilang mga mahal sa buhay sa ibang bansa.

Isusulong din ng Barkadahan Partylist sa Kongreso na mapabilis ang regularization ng mga manggagawa sa pribado o pambublikong sektor man. Hangad din nila na magkaroon ng makatarungang sahod ang mga manggagawa sa pamamagitan ng national wage rate.

“Bawat kwento na aming narinig, patak ng luha na aming nasaksihan, hirap at desperasyon na aming naramdaman mula sa ating mga kabarkadang patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay ang siyang magsisilbing gabay para patuloy ang ating Barkadahan,” pagtatapos ni Pasco.

metrosundaily
Tags: barkadahan partylist

Post navigation

Previous Pinoys told to pray for Ukraine
Next 13 Pinoy na lumikas sa Ukraine nakatawid na sa Polish border

Related Stories

Las Piñas solon seeks ‘Dōtoku discipline’ to change Metro Manila’s garbage habits
  • Metro

Las Piñas solon seeks ‘Dōtoku discipline’ to change Metro Manila’s garbage habits

Metro Manila mayors rally behind Rep. Santos’ crackdown on illegal dumping
  • Metro

Metro Manila mayors rally behind Rep. Santos’ crackdown on illegal dumping

Free towing for stranded vehicles launched in Metro Manila
  • Metro

Free towing for stranded vehicles launched in Metro Manila

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Sat, 22 Aug.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. Obet on House prosec Ridon brings maleta with mangoes, wigs: Not all luggage contains cash
  2. Obet on Tulfo threatens arrest vs senators holding unauthorized Blue Ribbon hearings

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Facebook
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.