
BATAAN JOB FAIR: Umabot sa 1,170 na aplikante sa trabaho ang naitala sa Bataan Job Fair ngayong Biyenes na dinaluhan ng 43 recruitment agency. Ang naturang job fair ay pinangangasiwaan ng Iskolar ng Bataan katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) Bataan, at ito’y ginanap sa Bataan People’s Center ngayong araw, ika-14 ng Nobyembre mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon (8:00 A.M. – 5:00 P.M.), ani Gov. Joet S. Garcia, (nasa itaas na larawan).
