Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Wala nang partylist ng mga api at mahihirap

admin November 22, 2021

KINIKILALA na ngayon ang lakas ng partylist sa Kamara de Representantes.

Malaki na ang pakinabang ng mga kongresistang pulitiko sa mga kinatawan ng partylist dahil pare-pareho naman silang mga pulitiko.

Katunayan, karamihan sa kanila ay tradisyunal na pulitiko (trapo).

Sa kasalukuyang Kamara, mayroon pa ngang mga kongresista mula partylist na pinuno ng mga komite at higit sa lahat deputy speaker tulad nina Rep. Eddie Villanueva, Representative Rodante Marcoleta, Representative Jose “Lito” Atienza at Representative Bernadeth Herrera.

Maliban sa mga kongresista ng mga partylist ng kaliwa tulad ng Bayan Muna, Gabriela, ACT – Teachers, Kabataan, wala na akong nalalamang partylist na totoong nagsusulong at nakikipaglaban para sa interes, kagalingan at buhay ng mga api at mahihirap sa lipunang Pilipino.

Ang mga partylist ng kaliwang puwersa ay pinagbuklod sa pangkat na tinawag nilang Makabayan Bloc.

Sa eleksyong magaganap sa Mayo 9, 2022, nabatid kong nadagdagan ang mga partylist na sumali sa nasabing pampulitikang aktibidad.

Lahat sila ay mayroong sektor o grupo ng mamamayan na kakatawanin sa Kamara. Ngunit, kung susuriin at pag-aaralang mabuti ay matutuklasang partido pala ng mga pulitiko, dating opisyal ng pamahalaan at ilang ambisyosong artista.

Kahit ang sektor ng mga tsuper ng pampublikong transportasyon, manggagawa rito sa bansa at mga manggagawa sa ibang bansa ay ginamit na batayan upang magkaroon ng mga partylist ang mga pulitiko.

Ang notoryus sa kanila ay ang mga kilalang beteranong pulitiko na biglang nagtayo ng partylist ng mga api at mahihirap, samantalang saksakan ng yaman ng nasabing pulitiko.

Hindi ‘yan labag sa batas ng partylist, ayon sa desisyon ng Korte Suprema. Walang magawa ang mga botante kundi ihalal na lamang ang partidong sa tingin nila ay kanilang maaasahan, malalapitan at nahihingan ng tulong kapag nanalo sa halalan.

Post navigation

Previous 2 minors of notorious ‘Kulot’ crime group nabbed in QC
Next Paglabas ng mga bata sa Metro Manila posibleng bawiin

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 30 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.