This variant has a large number of mutations, some of which are concerning., according to World Health Organization.
TILA mauudlot pa ang inaasahang kasiyahan sa pagsapit ng pasko at bagong taon bunsod ng babalang ipinalabas ng OCTA Research Group sa umano’y nagbabadyang muling paglobo ng mga bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa sandaling makapasok na sa bansa ang pinangangambahang Omicron variant.
Ayon kay Octa research fellow Dr. Guido David, dapat nang paghandaan ng pamahalaan ang pagdating ng mas mabagsik ng mikrobyong ayon sa mga pag-aaral ay 500 ulit na mas nakakahawa kumpara sa Delta variant na kumitil ng daan-daan libong katao sa bansang India nitong nakaraang Hulyo at Agosto. Gayundin ang babala ng World Health Organization (WHO) hinggil sa ‘variant of concern’ dahil sa kakayahang makahawa sa mas maraming tao sa maikling panahon lamang.
Gayunman, patuloy na pinag-aaralan pa rin ng mga eksperto ang paunang resulta ng mga pagsasaliksik kung saan lumalabas na hindi kasing peligroso ang dalang perwisyo ng Omicron sa kalusugan ng mga tatamaan nito.
Record high sa South Africa
“South Africa reported 37,875 new Covid-19 cases on December 12, 2021. This is a new record high for South Africa. From November 8 to 14, South Africa had an average of 246 new cases,” ani David sa kanyang social media post. “Since then, cases jumped to an average of 19,400 over a span of four weeks. The average weekly growth rate over that period was more than 200%,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, umaabot ang reproduction rate o bilis ng antas ng hawaan ng COVID-19 sa South Africa mula sa 0.48 sa 4.18, “with a current value of 2.96.”
“This is higher than the reproduction number during the Delta surge. Although vaccine coverage in the Philippines is significantly higher compared to South Africa, the Omicron variant, if it enters the country’s borders, will likely trigger a serious surge of new cases in the Philippines,” sambit pa ng Octa fellow.
“The bright side is that, based on the information we have at this time, most of the cases will be mild or asymptomatic,” pahabol pa niya.
Bilang paghahanda ng pamahalaan, agad namang nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa mga bansang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, the Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy hanggang Disyembre 15.
