Rep. Edcel Lagman
NAIS ni Albay, 1ST District Rep. Edcel Lagman na mapalaya na sa pagpiyansa si detenidong dating senador Leila de Lima matapos mapawalang-sala sa isa pang kaso ng Muntinlupa court ngayong Martes.
Sa pahayag, sinabi ni Lagman na nakuha ni de Lima ang hustisya kahit pa huli na ito.
“Matapos siyang mapawalang-sala sa drug cases na isinampa laban sa kanya (de Lima), nararapat lamang na mapalaya na ito at pahintulutang makipagpiyansa para sa huling kaso na nakabimbin pa sa korte,” sabi ni Lagman.
“Nararapat lamang na mapalaya na sya at makamit ang buong hustisya,” ayon pa kay Lagman
Isang hakbang na lamang umano at lubos nang makakamit ni de Lima ang buong kalayaan nang ipawalang-sala ang isa sa natitirang drug cases ng dating senador ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204, ayon kay Atty. Filibon Tacardon.
