INSTANT millionaire ang isang mananaya matapos masungkit ang P225 milyong jackpot prize sa 6/45 Mega Lotto nitong Biyernes.
Ayon sa Facebook post ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), mag-isang natamaan ng mananaya ang winning combination na 14-05-44-25-01-36.
Nasa 75 na manlalaro din ang nanalo ng tig-P32,000 matapos makuha ng tama ang lima sa naturang combination.
Wala namang nakakuha ng tamang combination sa Ultra Lotto 6/58 na 56-04-44-12-39-37 para mapanalunan ang P118.3 milyon na jackpot.
