ANIM na magkakamag-anak ang nasawi sa sunog na naganap Sabado ng madaling araw sa Quezon City.
Sinabi ng mga kapitbahay ng mga biktima, bandang ala-1 ng madaling araw nang makita nilang nasusunog ang kurtina sa ibabang bahagi ng bahay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.
Nang lumaki na ang apoy ay nagtulung-tulong na ang mga ito apulahin ang apoy na mabilis kumalat sa ikalawang palapag.
Ang iba ay tinatawag na ang mga okupante upang lumabas ng bahay.
Umaga nang mailabas ang bangkay ng mga biktima kabilang ang mga bata na edad 2, 7 at 12 kasama na ang higit 70-anyos na lolo. Natagpuan sa hagdan ng bahay ang mag-inang nasawi.
Hindi rin nakalabas ang mga ito dahil palibot ng grills ang buong bahay.
