PATAY ang livein partner na kapwa teenager at ang kanilang 5 buwan na sanggol sa sunog na naganap madaling araw ng Bagong Taon sa Caloocan City.
Namatay sa suffocation ang mag-anak sa sunog na tumupok bandang alas-4:00 ng madaling araw sa residential area sa Malonzo Compound, 4th Avenue, barangay 49.
Natagpuan ang mag-ina sa loob ng banyo. Kalong pa ng nanay ang anak na lalaki nang matuklasan ng mga bumbero. Hindi na nagawa pang itakbo sa pagamutan ang mga biktima.
