TINATAYA sa P40 milyong halaga ng hinihinalang shabu na naka-tea bag ang nakumpisaka ng awtoridad habang dalawa katao ang naaresto sa buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Makati City.
Sinasabi na anim na kilo ang bigat ng kontrabando na may tatak na Chinese characters na natuklasan sa isang apartment building sa Barangay Palanan, Makati City.
Ayon kay PNP-DEG Acting Deputy Director for Operations Police Col. Roel Rodolfo ang kontrabando ay bahagi ng patuloy na operasyon ng ahensiya.
Hinihinala rin na ang shabu ay bahagi ng illegal na droga na umaabot sa dalawang kilo na nabuko rin sa mga naunang operasyon.
Inaalam pa ng pulisya kung iisa lang ang source ng shabu.
