SINABI ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) na karamihan ng kaso ng kidnapping ay nasa National Capital Region (NCR) kung saan maraming Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at casino.
Sa press briefing ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII), sinabi ni PNP-AKG Deputy Director for Operation Col. Ericson D. Dilag na karamihan sa mga kasong naitala ng PNP-AKG ay sa mga lugar ng Pasay, Makati, and Parañaque sa NCR.
Ang mga lugar na ito ay pinamumugaran umano ng POGO at casino establishment sa bansa.
Sinabi ni Dilag na karamihan sa mga biktima ng kidnapping mula
January 2021 hanggang September 2022 ay Chinese nationals na aabot sa 60 sa kabuuang 83.
Tanging 18 sa kabuuang bilang ng biktima ang Chinese-Filipino habang ang nalalabing bilang ay kinabibilangan ng ibang lahi.
