PATAY ang magkapatid na menor de edad sa sunog na naganap sa Barangay Poblacion sa Mandaluyong City, Miyerkoles ng gabi.
Ayon kay Fire Senior Inspector Jess Acoba, hepe ng BFP Mandaluyong, ang mga nasawi ay edad 16-anyos na babae at 4-anyos na kapatid nitong lalaki.
Hindi naman nagpaunlak na magsalita ang mga kaanak nito hinggil sa insidente.
Sinabi sa report na halos hindi na makilala ang mga biktima nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay matapos ang insidente.
Iniimbestigahan ng BFP ang dahilan kung bakit hindi agad nakalabas ng bahay ang dalawa.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na kumalat sa 50 tirahan.
Nasa 100 pamilya naman ang nawalan ng tirahan sa sunog na naapula madaling araw ng Huwebes.
