
BUMILI na ng property sa Pilipinas ang boyfriend and soon-to-be-husband ng Asia’s acting Gem Glaiza de Castro na si David Rainey. Nakabili ng house and lot ang binatang taga-Ireland sa Baler, Aurora, na malapit sa beach.
Parehong beach lovers sina Glaiza at David kaya napili nila ang property na maging soon-to-be love nest ng dalawa kapag ikinasal sila sa 2023 sa Pilipinas. Bukod pa sa pagiging magaling na surf instructor ni David. Sikat ang Baler na surf destination sa bansa.
Habang naka-lock in taping si Glaiza simula next week para sa first team up nila ni Xian Lim, ang False Positive, directed by Irene Villaflor, na isang soap na pang-evening primetime ng Kapuso Network, si David nama’y mamalagi sa Baler.
Dahil may bahay na sa Pilipinas si David, Mananatili siya sa bansa ng anim na buwan para asikasuhin din ang bubuksang coffee shop business mismo sa Casa Galura, ang resort-hotel property ng family ni Glaiza sa Baler. May sarili itong swimming pool, garden at hotel rooms na may pampamilya at gayundin na pang-couple.
Kapag kasal na sina Glaiza at David, six months sa Pilipinas si lalaki at six months sa Ireland. May family business din inaasikaso si David doon. Kasama si Glaiza sa Europe kapag walang taping o commitments ang actress.
