
(Photo from Facebook / Ate Rose Lin)

NAGANAP ang napakahabang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon (SBR) Committee hinggil sa kontrata ng Pharmally Pharmaceutical Corporation (PPC) sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang pagpapalawig sa imbestigasyon ng SBR na pinamumunuan ni Senador Richard “Dick” Gordon naging kadudaduda ang “tunay” na motibo at “layunin” dahil tila sadyang pinahaba at pinalalim.
Marami nang isinagawang imbestigasyon ang iba’t ibang komite ng Senado, lalo na ang SBR ni Gordon simula noong maging pinuno nito si Gordon noong 2016, subalit hindi sobrang haba tulad ng ginawa sa PPC. Naganap ito ilang buwan bago maghalalan — at umabot pa hanggang ngayong 2022.
Isa pa si Gordon na lider ng imbestigasyon ay muling tatakbong senador sa eleksyong 2022.
Kaya, maraming nag-isip sa mamamayan na posibleng ‘ipinambala’ ni Gordon at iba pang senador ang imbestigasyon laban sa PPC dahil sa pulitika.
Ang bonus sa naganap ay walang tigil na panayam ng midya kay Gordon. Kaya, palaging nababanggit ang pangalang “Gordon”.
Ang isa pang kapansin-pansin sa kontrobersiya ng PPC ay ang pagdikdik sa negosyanteng si Rose Noni Lin sa kaso ng PPC.
Tinutukoy natin rito ay ang negosyanteng si Rose Nono Lin.
Si Lin ay kandidato sa pagkakongresman ng ika-5 Distrito ng Quezon City. Mapapansin sa inilabas na “draft report” ng SBR na inirekomenda na kasuhan si Lin ng “perjury” dahil hindi umano ito nagsasabi ng totoo.
Pilit na iginiit ng SBR, sa pangunguna ni Gordon, na ang kumpanya ni Lin, ang Philippine Biological Pharmaceutical Company (PBPC), ay “sister company” ng PPC.
Ito’y dahil mayroong isang “Huang Tzu Yen” na parehong miyembro ng board ng PPC at ng PBPC.
Sa mundo ng negosyo ay walang masama rito dahil normal na kalakaran sa pagnenegosyo.
Maraming negosyante ang nakaupo sa board ng iba’t ibang kompanya.
Ibig bang sabihin nito sister companies ang lahat ng mga kumpanyang ito?
Ang PPC ay may sarili at hiwalay na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Lehitimong negosyante si Lin, hindi siya “shareholder “ ng PPC at walang anumang kontrata sa gobyerno.
Batay sa rekord, si Lin ay dumalo ng pitong beses sa pagdinig ng Senado Dalawang beses siyang um-absent na pawang may sapat at balidong dahilan. Sa kabila ng pakikipagtulungan at pagpapaliwanag nang tapat , ‘nagkasala’ pa rin si Lin.
Sa draft report, nais pa rin ni Gordon na kasuhan ang negosyante ng perjury at kasabay nito ang utos na pag-aresto dahil hindi pagdalo sa pagdinig ng SBR. Walang dahilan para kasuhan ng perjury ang negosyante.
Gusto ko nang maniwala na pulitika ang dahilan sa pagdawit kay Lin sa Pharmally case dahil sinusuportaha diumano ni Gordon ang kalaban ni Lin sa darating na halalan.
Abangan ang susunod na pagbulatlat natin sa usaping ito.