Screengrab: Its Showtime
BAKAS ang aliwalas sa mukha ng comedian/TV host na si Vhong Navarro matapos makamit ang inaasam na hustisya na nakalipas na 10 taon.
Sa daily noontime show na Its Showtime ay inisa-isa ni Vhong ang mga taong sumuporta sa kanya kasama ang judge na humawak sa kanyang illegal detention case gayundin ang lupon ng kanyang mga abogado.
Pinasalamatan niya rin ang kanyang pamilya at fans gayundin ang buong namamahala sa programa at big bosses ng ABS-CBN na sinabi niyang hindi siya iniwan ‘since day one’. Gayundin ang kanyang mga fans na kahit hindi maganda ang mga nakakarating sa kanila ay hindi bumitaw ang mga ito at hindi naniwala sa mga akusasyon.
Huli niyang pinasalamatan ang kanyang asawa na si Tanya na sinabi niyang hindi siya iniwan sa kabila ng lahat.
Sa emosyunal na pagpapasalamat ni Vhong ay nangako ito sa asawa na babawi at hindi na magpapabaya hanggang kanyang huling hininga.
Kaninang umaga, May 2, ay inilabas ng Taguig Regional Trial Court (RTC)-Branch 153 ang hatol na habambuhay na pagkakulong sa modelong si Deniece Cornejo at sa negosyanteng si Cedric Lee at Frederick Guerrero at iba pang kasama. Ang grupo ay napatunayang guilty sa pambubugbog at extortion kay Vhong noong January 2014 sa isang condominium sa Taguig City.
