MATAPOS ang isa’t kalahating buwan ng pag-amin na break na ang on and off screen lovers na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, in-unfollow na nito ang ex-boyfriend na si Daniel.
Pero, nagulat ang mga netizen nang makitang pati sina Julia Barretto at Liza Soberano ay hindi na rin nito pina-follow.
Dahil ditto, lubos na nagtataka ang mga netizen kung bakit nadamay ang dalawang aktres sa pag-unfollow sa aktor.
Samut’-saring reaksiyon ang ibinigay ng mga netizen kung saan ang iba at nagsabing masyadong OA na at bitter na si Kathryn sa kanyang mga ginagawa.
Ang iba naman ay nagsabing mas mabilis na makapagmo-move ang aktres kung hindi na niya makikita ang mga ginagawa ng dating boyfriend.
Ilan naman ang nagsabing pagpapakita lang ng pagiging insecure ng aktres sa pagtanggal sa kanyang Instagram kina Julia at Liza.
Si Kathryn lamang ang nag-unfollow sa tatlo kasama ang baguhang aktres na si Gillian Vicencio pero sina Daniel, Julia at Liza ay naka-follow pa rin sa Instagram ni Kathryn.
