Ang mga arestado sa harap ng nakumpiskang shabu.
LAGUNA — Arestado ang tatlong high value rarget ng mga awtoridad kung saan tinatayang 10 kilong shabu na may halagang P68 milyon ang nakulimbat sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police Drug Enforcement Group sa San Pedro City Biyernes ng gabi.
Sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCol Rogarth Bulalacao Campo kay Calabarzon Regional Director PBGen Eliseo DC Cruz, nakilala ang mga suspect na si Ace Arciaga, 35, ng Block 14 lot 45 Camachile St., South Fairway Homes, Landayan, San Pedro; Shamewayne Darvin, 19, resident ng 180 Rosal St., Subd, Purok 3, Bayanan, Muntinlupa City; Benz Gonzales, 21, residente ng Purok 3, Blk 3, Solema St, Bayanan, Muntinlupa City kasama ang isang 17 -anyos.
Naganap ang operasyon bandang alas 9:45 ng gabi ng Biyernes sa subdivision sa Brgy. Landayan ng naturang lugar.
“I congratulate the operating units including my personnel from the PIB and San Pedro CPS for this exceptional accomplishment. We will continue to work side by side with the other units of the PNP and the other law enforcement agencies within and outside the province upang tuluyan ng masawata ang illegal na droga at illegal na mga aktibidad sa ating probinsiya,”ani Campo.
Inaalam na ang partisipasyon ng menor de edad habang dinala ito sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ang tatlong suspect ay mahaharap sa habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
