Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Ikaapat na DQ case ni BBM inihain ng kababayan sa Ilocos region

Ni Alex dela Cruz
admin December 11, 2021

HINDI pa man opisyal na nagsisimula ang campaign season subalit patong-patong nang petisyon ang kinakaharap ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos upang pigilan ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa darating na presidential elections sa 2022.

Nitong Disyembre 7, isa pang petisyon ang inilagak sa Commission on Elections (Comelec) — sa pagkakataong ito, mula mismo sa kanyang balwarte ng rehiyon ng Ilokos. Inihain ng grupong Pudno Nga Ilokano ang isa pang disqualification case laban kay Bongbong, Martes, bagay na pinangunahan ng kanilang lead counsel na si Christian Monsod.

Si Monsod ay nagsilbing chair ng Comelec mula 1991 hanggang 1995, at isa sa mga framers ng 1987 Constitution. Ilan sa mga ipinupunto ng grupo sa disqualification petition ang tax case conviction ni Bongbong, anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr., dahil sa kabiguan ng nauna na maghain ng kanyang income tax returns.

Ito na ang ikaapat na petisyong humihiling sa diskwalipikasyon ni Marcos mula sa presidential race sa susunod na taon.

Wala pang pahayag ang kampo nina Bongbong pagdating sa panibagong reklamo sa kanya sa Comelec.

Ngayong Disyembre lang din nang maglabas ng sertipikasyon ang Quezon City Regional Trial Court Branch 105 na nagsasabing walang record na napagbayaran na ni Marcos ang mga ipinataw sa kanyang sentensya pagdating sa kanyang convictions noong dekada ’90.

“This is to certify that there is no record on file of: Compliance of payment of satisfaction of the Decision of the Regional Trial Court dated July 27, 1995 or the Court of Appeals dated October 31, 1997,” ayon sa doktumentong nilagdaan ni officer-in-charge Rowena Sto. Tomas-Bacud noong ika-2 ng Disyembre, 2021.

Nangyayari ang lahat nang ito kahit na iginigiit ng mga opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas, na partido ni Marcos, na nabayaran na ng huli ang kanyang multa kasama ang interes at surcharge na aabot aniya sa P67,137,27 noong ika-27 ng Disyembre 2001.

Kaugnay nito, hinimok naman ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Comelec 2nd Division na agarang resolbahin ang mga petisyon laban sa kandidatura ni Marcos lalo’t maaari itong makarating hanggang Korte Suprema.

Ipinunto naman ni Panganiban na iba ang petisyong inihain upang kanselahin ang certificate of candidacy ni Marcos sa mga mas bagong petisyon na inihain naman upang ipa-diskwalipika siya sa 2022 presidential election. Nilinaw ng dating punong mahistrado na ang disqualification ay maaari lamang i-file laban sa isang kandidato na nakagawa ng election offenses sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Hindi katulad ng cancellation ng COC, pinapayagan sa disqualification na magkaroon ng substitution, ng isa pang kandidato mula sa isa pang political party na may kahalintulad na apelyido.

Sakali, anyang, kanselahin ang COC ni Marcos ay hindi na maaaring magkaroon ng substitution dahil mangangahulugan itong hindi kailanman umiral ang COC. Dahil dito, hindi mabibilang ang mga boto para kay Marcos at ang kandidatong may susunod na mataas na bilang ng boto ang idedeklarang panalo.

Post navigation

Previous Ms. Philippines Universe Bea Luigi Gomez wears Bakunawa dragon costume
Next World AIDS Day celebration for a cause

Related Stories

NBI says helping Bato evade arrest may lead to criminal charges
  • Nation

NBI says helping Bato evade arrest may lead to criminal charges

NBI says dragnet tightens around Bato, warns law ‘will catch up’
  • Nation

NBI says dragnet tightens around Bato, warns law ‘will catch up’

Marcoleta faces recommended plunder, bribery charges over ₱75M donations
  • Nation

Marcoleta faces recommended plunder, bribery charges over ₱75M donations

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Sat, 23 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.