NAGSIMULA na ang handog na Libreng Sakay ng MRT-3 para sa mga kababaihang pasahero nito kaninang 7:00AM hanggang 9:00AM, bilang pagdiriwang ng International Women’s Day.
Magkakaroong muli ng libreng sakay mamayang 5:00PM hanggang 7:00PM.
Ang Libreng Sakay ay bilang pagkilala ng MRT-3 sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan.
“Hangad po namin na makapagbigay ng munting kasiyahan sa ating mga kababaihang pasahero ngayong kanilang espesyal na araw. Saludo po at nagbibigay-pugay ang buong linya ng MRT-3 sa galing, puso, at tatag ng bawat babaeng Pilipino,” sabi ni MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr.
