ITINANGGI ni Jinkee Pacquiao na hiwalay na sila ni Manny Pacquiao at sinabing sobrang mahal niya ang dating senador at lalong hindi raw siya buntis.
Sa panayam sa Fast Talk With Boy Abunda, sinangga ni Jinkee ang mga balitang unang lumutang sa isang youtube channel sa kanilang umano’y hiwalayan at nagsampa na ng annulment si Jinkee para iwan na ang People’s Champ.
