
PATAY ang bise alkalde ng bayan ng Aparri, kasama ang limang iba pa nang ambusin sa Sitio Kinacao, Baretbet, Nueva Vizcaya, pasado alas-8 ng umaga ng Linggo, Pebrero 19.
Batay sa inisyal na report, patungo umano sa Maynila ang vice mayor na si Rommel Alameda, kasama ang mga biktima lulan ng Hyundai Starex, na may plakang KOV 881 nang sila ay pagbabarilin ng anim ding suspect na lulan naman ng Mitsubishi Adventure na may plakang SFN 713 (red plate) at nakasuot ng pixelized PNP Uniform.
Hinarang umano ng mga suspect ang kalsada gamit ang barikada ng MV Duque Elementary School dahilan upang sila ay mag-slowdown saka pinagbabaril ang sasakyan ng bise alkalde.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang kapulisan para sa ikadadakip ng mga suspect.
Patay noon din ang vice mayor ngunit isinugod pa rin sa Region 2 Trauma and Medical Center. Hindi pa kilala ang mga kasamang nasawi ng vice mayor.