
TRAHEDYA ang sinapit ng magkasintahan na nagka-camping matapos pasukin ng armadong lalaki at patayin ang lalaki habang sugatan at ni-rape naman ang babae sa Marinduque.
Ayon sa impormasyon mula sa Boac Municipal Police Station, sinabing nangyari ang karumal-dumal na krimen dakong alas-2 ng madaling araw ng Biyernes malapit sa tabing-dagat sa Barangay Ihatub.
Batay sa salaysay sa pulisya ng 17-anyos na babaeng biktima, bigla na lang silang pinasok ng salarin sa tent at inundayan ng saksak ang kaniyang nobyo.
Tumakbo ang babae palayo pero hinabol at inabutan umano siya ng salarin.
Sinugatan umano siya ng salarin sa leeg at pinagsamantalahan.
Matapos kunin ang kanilang pera at cellphone, umalis na ang salarin at iniwang duguan ang babae.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at pagtugis sa salarin na nakatakas.
The girlfriend told the police that the suspect went inside their tent and stabbed his boyfriend.
She fled but the suspect caught up with her and raped her. She also suffered a stab wound.
The suspect also took with him the couple’s money and cellphone.
FDA: No ethylene oxide detected in samples of some Lucky Me! variants
Authorities have asked the public for information that would lead to the arrest of the suspect. —NB, GMA News