
NAGKAGULO at nagpasalamat ang mga residente sa paglutang ng isdang moonfish sa Tibiao, Barbaza at Bugasong sa Antique. Mahigit isang toneladang moonfish o bilong bilong, chabita, hiwas o tahas, ang lumutang nitong linggo. Sinabi na lumalabas ang ganitong isda kapag bilog ang buwan. “Salamat sa biyaya, malaking tulong ito sa amin lalo na’t hirap na hirap ang aming kabuhayan,” sabi ng isang mangingisda.