
Ang suspect na si John Mhar Manalo.
SUMUKO na ngayong Biyernes ng madaling araw ang suspect na pumatay sa isang turistang New Zealander matapos maglabas ng pabuya ang Southern Police District ng halagang P500,000, ayon sa ulat ng Unang Balita.
Kasama ang kanyang pamilya, sumuko ang suspect na si John Mhar Manalo sa Pasig City.
Kinilala si Manalo ng mga saksi bilang isa sa bumaril kay Nicholas Peter Stacey matapos holdapin ito kasama ang kanyang nobya sa Filmore St., Barangay Palanan, Makati City, noong Linggo ng hatinggabi.
Itinanggi naman ni Manalo ang pagpatay kay Stacey. May pending din siyang warrant of arrest dahil din sa robbery sa Bulacan.