

HINDI pa man naihahalal bilang pangulo ng Pilipinas si dating senador “Bongbong” Marcos Jr. ay sobrang tapang na kung magsalita at umasta.
Masama ito kung siya ang magwagi sa halalan ng mga naghahangad maging pangulo ng bansa sa Mayo 9, 2022.
Ito’y dahil wala siyang kinikilala at sinusunod.
Bilang bise-gobernador at gobernarnador ng Ilocos Norte, apat na taon siyang hindi nagbayad.
Bilang isa sa mga administrador ng estate tax ng pamilya Marcos, mayroong pagkakasala si Marcos Jr. sa ‘di pagkakababayad nito.
Ayon kay Atty. Ruben Caranza Jr., umabot ng P23 bilyon ang estate tax ng pamilya Marcos nitong nakalipas na taong 2021. Tiniyak ni Carranza na mayroon nang pinal na desisyon ang Korte Suprema hinggil sa kaso noon pang 1997.
Kaya, wala nang nakaabang at nag-aantay na anumang kaso tunggol sa P23 bilyong estate tax na naging P203 bilyon. Nakakatakot si Bongbong Marcos dahil wala pa man siya sa Malakanyang ay lantaran niyang binabalewala ang pagbabayad ng bilyun-bilyong buwis.
Wala pa man sa Malakanyang, lantaran nang linalabag ni Marcos Jr. ang batas hinggil sa buwis.
Pangalawang ulit na paglabag sa batas hinggil sa pagbabayad ng buwis, ngunit nananatili siyang malaya.
Ipinakikita at pinatutunayan ni Marcos Jr. na wala siyang kinakatakutang batas at institusyon ng bansa.
Hindi rin siya nangingilag sa midya, kaya namimili siya ng gusto niyang media firm ang mag-interview sa kanya.
Tanaw na tanaw at lantad na lantad na magiging matapang na pangulo ni Marco, Jr. tulad ng isang diktador.