
MAGKAKAROON ng pagbaba ng presyo ng gasolina, diesel at kerosene ng mula P0.70 hanggang P1.80 kada litro mula bukas, Pebrero 28.
Sa hiwalay na advisories ngayong Lunes, inihayag ng oil firms ang mga sumusunod na price adjustment simula Martes.
Shell (6 a.m.)
Gasoline: -P0.70 per liter
Diesel: -P1.30 per liter
Kerosene: -P1.80 per liter
Seaoil (6 a.m.)
Gasoline: -P0.70 per liter
Diesel: -P1.30 per liter
Kerosene: -P1.80 per liter
Cleanfuel (12:01 a.m.)
Gasoline: -P0.70 per liter
Diesel: -P1.30 per liter
Ang pagbaba ng presyo ng gasoline ay ginawa matapos ang dalawang magkasunod na price hike ngayong Pebrero.
Ayon sa pinakahuling oil monitoring ng Department of Energy (DOE), nagpatupad ang mga oil company ng kada litrong pagtaas ng presyo ng P0.90 sa gasoline at P1.05 sa diesel noong Pebrero 21.
Bumaba naman ang presyo ng kerosnes ng P0.25 kada litro noong Pebrero 21.
Ito, ayon sa DOE, ay nagresulta sa year-to-date net decrease sa diesel sa P1.10 kada litro at kerosene sa ₱0.50 kada litro.
Tumaas naman ang presyo ng gasolina sa P6.00 kada litro.