NAGSAGAWA ang Regional Highway Patrol Group Unit 4-A katuwang ang Philippine National Red Cross at Full Spectrum Riders Associaton of the Philipppines(FSRAP) ng blood-letting na ginanap sa Villa De Calamba covered court sa Calamba City, Laguna.
Ayon kay RHPU4A Police Community Relations Officer Lt. Dyne Moreno, nasa 200 indibidwal mula sa FSRAP at iba pang rider club ang nagbigay ng dugo.
Ang mga nakolektang dugo ay ilalagak sa Philippine Red Cross upang madagdagan ang suplay ng Regional Patrol Unit.
