UMAABOT sa P69 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Coast Guard District Eastern Visayas.
Ang kontrabando, 10 bloke ng hinihinalang shabu ay nakita sa loob ng karton na kulay green na may
Chinese tea bag label “Guanyinyang”.
Arestado rin ang isang Mangayao Lapan Mitomara, residente ngf Paliparan, Dasmariñas, Cavite.
Kinasuhan na ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 (RA 9165) at nakadetine sa Allen Municipal Police Station.
