Ni Cyrill Quilo
LAGUNA- Pinaghahanap na ng pulisya ang 76-taong gulang na lolo makaraang molestyahin ang isang kindergarten na batang babae sa San Pablo City, Laguna. Kasong RA 8353 o Rape ang kakaharapin ng nagtatagong suspek na si Romeo Torres Adap.
Dumulog sa tanggapan ng hepe ng San Pablo City Police Station na si PLt.Col.Gary Alegre ang ina ng batang 5-taong gulang nitong Miyerkules.
Nabatid sa salaysay na noong Oktubre 19 ay nakita ng suspek ang bata na nag-iisa sa labas ng kanilang bahay at tinawag ito upang bigyan ng pera. Ngunit hindi biglang lumapit ang suspect sa bata saka sinabi nito na maganda at makinis ito sabay kinarga at inilagay sa kanyang kandungan.
Dahil sa panggigil sa bata ay ginawan umano ng kahalayan ang bata sa pamamagitan ng paghawak sa maselang bahagi ng katawan nito.
Agad na nagsumbong ang kapatid na lalaki ng biktima sa kanilang ina sa nakitang kabastusan ng lolo.
Mabilis na nagtago ang suspek matapos ang pangyayari.
Naisampa na rin ang reklamo sa laban sa suspect sa City prosecutor’s office.
