MULING tumaas ang tension sa karagatan malapit sa Ayungin Shoal kasunod ng paglalabas ng pahayag ng Chinese Foreign Ministry na nag-uutos sa gobyerno ng Pilipinas na alisin na ang barkong nagsisilbing himpilan ng mga sundalong Pilipino sa pinagtatalunang teritoryo.
Sa pahayag, matapang naman ang tugon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana – hindi lilisanin ng mga tropang sundalo ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kasabay ng giit na bahagi ng Pilipinas ang nasabing lugar.
Aniya, pasok ang Ayungin Shoal sa loob ng Exclusive Economic Zone (ECC), bagay na nagbibigay karapatan sa bansang Pilipinas, bukod pa sa naging hatol ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).
“Our EEZ was awarded to us by the 1982 UNCLOS which China ratified. China should abide by its international obligations that it is part of,” ani Lorenzana sa pagpapatuloy ng palitan ng patutsada sa pagiran ng Pilipinas at China makaraang itaboy ng Chinese Coast Guard ang dalawang supply vessels na patungo sa Ayungin Shoal para maghatid ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng mga Pilipinong sundalong lula ng BRP Sierra Madre. Ayon kay Zhao Lijian na tumatayong taga pagsalita ng Ministry of Foreign Affairs of People’s Republic of China, dapat tuparin ng anig ng Pilipinas ang pangako nito at alisin ang nakasadsad na sasakyang-dagat nito sa Ren’ai Jiao.
Gayunpaman, walang anumang detalyeng inihayag ang Tsinong opisyal kaugnay ng aniya’y pangako. Hindi rin niya sinabi kung sinong opisyal ng pamahalaan ang nangako sa gobyerno ng China. Tugon naman ni Lorenzana, wala siyang natatandaanga pangako ng Pilipinas sa China na aalisin nila ang Siera Madre sa loob ng Ayungin Shoal, sabay giit sa artibtral ruling na ipinalabas ng UNCLOS.
“Higit pa rito, pinasiyahan ng Arbitral award na ang pag-angkin sa teritoryo ng China ay walang makasaysayang o legal na batayan. Ergo, we can do whatever we want there at sila na talaga ang lumalabag. Meron tayong dalawang dokumentong nagpapatunay na meron tayong sovereign rights sa ating EEZ habang sila ay wala at yung claim nila walang basehan,” anang kalihim. “As far as I know there is no such commitment. That ship has been there since 1999. If there was commitment it would have been removed long time ago,” dagdag pa ni Lorenzana.
