PINATAY sa taga ang isang lalaki matapos ang mainitang pagtatalo dahil sa utang na P600 sa Bacoor City, Cavite, Lunes ng madaling araw.
Ayon sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) police, sina Vergel Naval at Jeffrey Flores ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Barangay Queens East bandang alas-12:54 ng hatinggabi dahil sa P600 utang ni Naval kay Flores.
Dahil dito, nagbanta umano si Flores na papatayin nito si Naval nang hindi pa rin masingil ang utang.
Umuwi ng bahay si Naval at pagbalik ay may bitbit nang bolo.
Nang makita ang biktima ay agad itong pinagtataga hanggang mamatay.
Tumakas ang suspect matapos ang insidente at ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.
