Sara All: Pinangunahan ni VP aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte ang pagbubukas ng Marilog Hospital kahapon sa Davao City.
SA kabila ng mga sunud-sunod na meeting at pagkakaabala sa ibang gawain, patuloy pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagtatrabaho.
Kahapon, dumalo ito sa pagbubukas ng Marilog Hospital, ang unang ospital sa ilalim ng City Health Office ng Davao City.
“Napakamabuluhan nito dahil ito po ang una bukod po sa dito namin naitayo sa Marilog District kung saang isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA),” pagbibida ng alkalde na anak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Dito po ninyo makikita na kapag meron pagkakaisa sa mga kailangan dapat gawin, ito ay magbubunga ng maganda para sa siyudad. Pagod, hirap at puyat po ito ng mga Dabawenyong doctor, nurses, medtech, pharmacists, assistants at personnel. Saludo po kami sa inyong lahat,” dagdag na pahayag nito.
Si Mayor Inday Sara Duterte ay nag-file kamakailan ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagtakbo bilang bise presidente ng bansa, na ayon sa marami ay tiyak na madali lang makakamit ng alkalde dahil sa tiwala ang taong bayan.
