Ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima. Screengrab
PUTOL-PUTOL na ang katawan nang matagpuan ang bangkay ng nawawalang engineer sa isang sapa sa Bacoor, Cavite.
Isinako at itinapon ang bangkay ng biktimang si Engineer Napoleon Fernandez.
Ang suspect na kinilalang si Romnik Bombeo ay katiwala ng biktima at nakatira sa bahay ng mga ito sa nakalipas na dalawang taon.
Ayon kay Police Major Renalyn Lim, ng Bacoor Police Public Information Office, ikinuwento umano ng suspect na noong July 7 ay birthday ng biktima at nagkaroon ng kasiyahan.
Sa gitna nito ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na pareho nang lasing.
“Eto daw po si victim, chinallege siya na sige patayin mo ako. So dali daling kunuha ni suspect yung samurai, sinaksak si victim,” ayon kay Lim.
Naaresto ang suspect habang palabas ng bahay ng biktima noong Agosto 7 bitbit ang mga gamit. Sinasabing aabot sa P4 milyon ang ninakaw nito sa biktima.
“Nakita po ‘yung laman ng bag is yung pera po at saka mga alahas ni victim and ID and ATM cards,” ayon pa kay Lim.
Upang itago ang krimen, pinagputol-putol ng suspect ang katawan ng biktima.
“Nilagay niya sa maleta then nilagay niya sa creek. Sumakay siya sa jeep, five to seven times niyang hinakot yung katawan ni victim,” ayon pa sa report.
Hindi naman matanggap ni Danilo Fernandez, kapatid ng biktima, ang sinapit nito dahil sa kamay pa mismo ng pinagkakatiwalaan ang gumawa ng krimen.
Nabatid na nauna nang kinasuhan ang suspect ng qualified theft at direct assault, gayundin ang robbery with homicide. Inaalam pa ng pulisya kung may kasabwat ang suspect nang isagawa ang krimen.

Very interesting info!Perfect just what I was looking for!