PATAY ang barangay captain at misis nito matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspect sa Asturias, Cebu.
Ayon sa report ng Philippine National Police (PNP), sakay ng motorsiklo ang mag-asawang Mario Tundag, 57, at Edna nang sabahay ng dalawang lalaking lulan din ng motorsiklo noong Martes bandang alas-9 ng umaga.
Ang backrider na suspect ay agad bumunod ng baril saka pinaputukan ang mag-asawa.
Nakita sa CCTV ang krimen gayundin ang pagtakas ng mga suspect sa katabing bayan na Balamban.
Bumabagtas ang mag-asawa at pagsapit sa Poblacion Central Elementary School sa Asturias ay doon na pinagbabaril ang mga ito. Nakakuha ng basyo ng .45 kalibre ang mga imbestigador.
Ayon sa Cebu Police Provincial Office, inaalam na ang motibo sa pagpaslang sa mag-asawa kabilang ang personal na alitan, negosyo at politika.
