PATAY na nang matagpuan sa talahiban ang bangkay ng 17-anyos na dalagita sa Diffun, Quirino.
Kalunus-lunos ang sinapit ng dalagita. May tali sa leeg, kamay at paa. Inaalam pa rin kung ginahasa ito ng mga salarin.
Hindi naman matanggap ng pamilya ang sinapit ng biktima.
Sinabi ng ina ng biktima na madalas umano itong naglalayas at bumabalik makaraan ang ilang araw.
Inakala nilang isa lamang iyon sa paglalayas ng biktima at nanlumo nang hindi na muling babalik ang dalagita.
Bumuo na ng team ang kapulisan upang alamin ang motibo at taong nasa likod ng pagpaslang sa biktima.
