Photo courtesy: Daraga Mps Albayppo
(LEGAZPI City, June 9, 2023) Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na banta ng pagsabog ng bulkang Mayon.
Ngayon lamang ay inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA) sa kanilang ginawang special session ang Provincial Resolution No. 0607-2023 “Declaring the Province of Albay under the state of calamity” following notice issued by DOST-PHIVOLCS raising the status of Mayon Volcano to alert level 3.
Kasabay nito, inaprubahan din sa nasabing special session ang Provincial Resolution No. 0608-2023 “Authorizing Honorable Edcel Greco A.B. Lagman, Governor, Province of Albay, to utilize Quick Respond Fund (QRF)” following the notice issued by DOST-PHIVOLCS raising the status of Mayon Volcano to alert level 3.
Dahil dito, maari nang magamit ng pamahalaan ang P30 million pondo mula sa P42 million na QRF nito para mabigyang ayuda ang libo-libong mga apektadong pamilya mula sa iba’t-ibang mga bayan sa palibot ng bulkang Mayon.
Inaasahan na ang nasabing halaga ay tatagal lamang ng sampung araw para sa pagbibigay ng food packs, non-food items at iba pang kailangan ng mga apektadong pamilya.
Dahil rin sa nasabing deklarasyon, maari na rin na maggamit ng mga apektadong local government units (LGUs) tulad ng Tabaco, Legazpi, Ligao, Guinobatan, Camalig, Daraga, Sto. Domingo, Malilipot ang kanilang mga QRF na ayon sa kanilang pagtataya ay maaring umabot lamang ng dalawang araw.
Sa paliwanag ni Albay Pubic Safety and Emergency Management Office (APSEMO) OIC at Research Division Chief Eugene Escobar, bahagi ng kanilang operational procedure na papasok lamang ang lalawigan sa pagbibigay ng kaukulang suporta oras na makunsumo na ng mga apektadong LGU ang kanilang QR fund.
“As a matter of operational procedure, initially the local government units, the cities and municipalities will utilize also their quick respond fund to provide relief to the affected population. Once this is already consumed the province will now provide support and once we have exhausted our resources, the national government will now enter,” Escober explained.
Samantala, inaasahan naman na sa loob ng dalawang araw ay matatapos na ang ginagawang paglikas sa 4,749 na mga pamilya o katumbas ng 18,184 na indibidwal mula sa 14 na mga barangay na nasa loob ng six-kilometer PDZ.
Dagdag pa dito ang 5,817 na mga pamilya o 21,717 na katao mula sa 7-kilometer radius na maari pang ilikas kung itaas na sa level 4 ang alerto ng bulkan.
MLQuising, Albay PIO
