CALAMBA City — Umabot na sa pitong bayan ang naideklarang Covid-free sa lalawigang ito ayon sa Laguna Provincial Health Office.
Wala nang naitalang aktibong kaso o ‘zero’ na sa Covid-19 ang mga bayan ng Alaminos, Majayjay, Lumban, Pangil, Lusiana, Rizal, at Famy.
Sa ibang bayan naman ay patuloy na ring bumababa ang mga tinatamaan ng sakit. Sa pinakahuling bulletin na inilabas nitong Nobyembre 22 ng hapon, 282 na lamang ang aktibong kaso ng Covid-19 habang 96,449 na ang mga gumaling at 3,115 ang mga nasawi.
