MATAPOS makalabas ng ospital ang security guard na sinagasaan ng RAV 4 driver sa Mandaluyong City, sinabi ng city police chief na hindi na nila ito makita gayundin ang sasakyan ng suspect.
Biyernes nang kumpirmahin ni Mandaluyong City police chief Col. Gauvin Mel Unos na matapos ang hearing sa kasong iniharap sa Land Transportation Office (LTO), hindi na umano matunton ng kapulisan ang security guard.
“Maayos na ang kalagayan ng biktima at nakalabas na ito ng ospital ngunit hindi na namin alam kung nasaan sya ngayon,” sabi ni Unos.
Naging viral ang insidente nang mahagip sa video ang sadyang pagsagasa ng RAV 4 driver sa biktima habang nagta-trapiko malapit sa isang mall sa Mandaluyong City.
Tumangging kilalanin ng pulisya ang pangalan ng suspect.
“Maybe I cannot speak on that as of now as they did not talk also. Although of course, we have mentioned details about those things before,” sabi ni Unos.
“We can hold the vehicle, and we can impound it, hold the vehicle. Actually we tried to visit the suspect’s residence but the car was not really at their home,” dagdag pa ni Unos.
Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspect.
Wala rin umano ang sasakyan ng suspect nang puntahan ng mga pulis ang bahay ng driver.
