SINABI ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi maghihigpit ang bansa sa pagpasok ng Russian travelers sa harap ng krisis na nagaganap sa pagitan ng Ukraine.
“There’s a suggestion that the Philippines restrict the entry of Russian travelers. My answer is nunca; nyet; never,” ayon sa tweet ni Locsin.
Sinabi pa ni Locsin na ang Filipino ay may tradisyon na tanggapin ang lahat na gustong bumisita sa bansa.
“We took in White Russians, defeated Spanish Republicans especially Basques, defeated Nationalists from the Chinese civil war (still ongoing), Vietnamese boat people and Iranians,” dagdag pa ni Locsin.
Inihalimbawa rin nito ang unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap at pag-alok sa Filipino citizenship sa Rohingya refugees.
“President Duterte offered to take in Rohingya (but no takers; UNDP explained we are outside their line of migration),” ayon pa kay Locsin.
Libu-libo katao, karamihan ay Rohinga, isang Muslim ethnic minority group, ang tumakas sa Myanmar patungong Bangladesh simula August 2017 nang atakihin ng Rohingya militant ang security forces na nagbunsod ng military crackdown.
Nauna na ring sinabi ng DFA na handang tanggapin ng bansa ang sinumang Ukranian na hihingi ng kalingan bunga ng pananakop ng Russia sa kanilang bansa. “The Philippines pledged US$100K contribution to the UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs’ Humanitarian Flash Appeal for Ukraine,” ayon naman sa hiwalay na pahayag ng DFA.
