NAGPOST ng mensahe ang aktor na si Mccoy de Leon para sa anak na si Felize sa gitna ng balitang hiwalay na sIya sa livein partner na si Elisse Joson.
“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensiya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy,” bahagi ng sulat nito.
Bumulaga ngayong araw ang balita na hiwalay na si Mccoy at Elisse dahil sa iba pang cryptic posts sa instagram ng aktor. Kapansin-pansin din ang hindi na pag popost ng dalawa na magkasama.
Ngayon araw ay kumalat din ang tiktok ng isang non showbiz girl kasama ang aktor na sinasabing dahilan ng hiwalayan ng McLisse.
Wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo.
