NASUNOG bago tuluyang lumubog sa laot ang isang pampasaherong barko na may lulan na 165 katao sa Pres. Carlos P. Garcia, Bohol, Linggo ng hapon.
Payapa munang naglalakbay ang barkong Mama Mary – Chloe sa Tugas Island at Tilmobo Island nang biglang sumiklab ang apoy bandang ala-1 ng hapon, ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayono pa sa PCG, puno ang barko ng walong crew members at 157 pasahero kung saan 142 ang matanda at 15 ang bata.
Sinabi ng PCG Station Eastern Bohol, ang barko may may kapasidad na magsakay lamang ng hanggang 236 pasahero.
Nasa 163 pasahero at crew members ang nailigtas, isa ang namatay habang patuloy na hinahanap ang isa pa hanggang alas 5:30 ng hapon.
Dinala ang mga nailigtas sa Port of Hilongos sa Leyte, Pitogo in Quezon, at Gaus Island gayundin sa Pres. Carlos P. Garcia town sa Bohol para sa agarang medikal na atensiyon.
Samantala, kinilala ang nasawi na si Adolfo Rañola, 53, ng Brgy. Poblacion, Trinidad, Bohol.
Sinabi ng PCG na ang barko ay galling sa Ubay, Bohol at patungong Bato, Leyte nang maganap ang insidente.
“The PCG immediately alerted all vessels in the area after we received the report,” ayon pa sa report ng PCG.
Hindi pa din batid kung ano ang pinagmulan ng apoy at kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang sunog.
