
ILANG malalaking grupo sa buong bansa ang nagpahayag ng kagalakan sa naging anunsyo at paghain ng kandidatura ng kampo ni Davao City Mayor Sara ‘Inday’ Duterte sa pagka-bise presidente ngayong araw.
Matapos ang anunsyo, naging mainit na laman sa social media ang pagtakbo ni Mayor Inday kung saan wala nang halos mababasa kung hindi ang suporta ng netizens sa pagtakbo ng alkalde at pagpapahayag na kanya-kanyang pangako ng pagsuporta.
Ilan din mga negosyante ang natuwa at malaki ang pag-asa na mas makababangon ang ekonomiya sa sandaling mahalalal bilang bise presidente si Sara Duterte na anak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa mga ito, tunay na malasakit sa bansa ang nakikita nila kay Mayor Sara kumpara sa ibang naglalayon na makaupo bilang bise presidente ng bansa.