
BINATIKOS ni Deputy Speaker and Batangas Rep. Ralph G. Recto ang naganap na ‘panghoholdap’ ng ilang tiwaling kawani sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan nag viral ang video na kinuha ang pera ng turistang paalis na ng bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Recto na sa ginawa ng tiwaling kawani ay lubha pang nalugmok ang imahe ng airport na naitala na sa isa sa pinaka-notoryus sa buong mundo.
“That viral footage has inflicted a reputational damage which could cancel gains from DOT’s P1.27 billion branding offensive this year.Ilang libong piso ang ninakaw sa isang pasahero, pero milyun-milyon ang posibleng mawala sa ating ekonomiya,” sabi pa ni Recto.
Dahil may budget ito na P346 million sa taong 2023, lumalabas na gumagasta ang taxpayers ng halos P1 milyon kada araw para sa pasweldo at operations ng Office of Transport Security.
Napupunta rin sa OTS ang parte nang kinokolektang NAIA terminal fee, na P300 mula sa domestic passengers at P750 naman kung sasakay ng international flights.
“These mandatory fees are paid by passengers on the guarantee that their belongings are protected, not pilfered by employees of the very same agency to which they have made the payment. A few erring OTS employees have dealt the nation a black eye. Na-tag na nga ang NAIA as one of the world’s worst airport, lalo pang pinalala ng insidenteng ito,” ayon pa sa mambabatas.
Kailangan din umanong mapatakbo ng maayos ang at parusahan ang mga sangkot sa katiwalian upang mabura ang impresyon na ang x-ray machine sa paliparan ay pinatatakbo ng mga
pickpockets.
“Our airport and transportation officials should roll out new programs that will assure the whole world that our airport security checks are not holdup points. Kasama na dito ang installation ng mga CCTVs that will plug blind spots and will blanket security checkpoints under constant and complete monitoring to deter the repeat of the much assailed theft,” saad pa ni Recto.