Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Watak-watak na Pinoy, nagkaisa, tumindig para ipaglaban ang WPS laban sa China

admin August 20, 2024

Courtesy: Dispatches from Culture

Ni Jet D. Antolin

PAANO hihimukin ang watak-watak na Pinoy para ipaglaban ang pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS)?

Ito ang tumambad na problemang unang kinaharap ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at National Task Force for the West Philippine Sea sa pamumuno ni spokesperson Commodore Jay Tarriela.

Sa pilot episode ng Utak Forum ni moderator Richard Heydarian sa Café Adriatico, sinabi ni Tarriela na minana ni Marcos  ang walang kapararakang fake news at sangkaterbang impormasyon na pagdududahan kung tama o hindi.  Hindi pa kasama rito ang limitadong balita na inilabas ng dating administrasyon.

Mabibilang sa daliri kung ano lang ang dapat malaman ng mamamayan kaya’t sa huli ay kanya-kanya na lamang ng impormasyon na masasagap ang mga ito tungkol sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Tarriela na malaking hamon ito para sa administrasyong Marcos at nang ihayag nito sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na hindi isusuko kahit pa ilang sentimetro ng WPS ay nagkaisa ang mga ahensiya at mismong ang gobyerno upang manatili sa bansa ang napakalagang isla.

Ayon pa kay Tarriela, isa lamang ang solusyon para mapag-isa ang mamamayang may kanya-kanyang perspektibo sa WPS: Bigyan ang mga ito ng tamang impormasyon tungkol dito.

“Mahirap himukin ang mga Filipino kung hindi nila alam ano ang ipinaglalaban nila. Tiyagain ang mga ito na ibigay ang mga totoong kailangan nilang malaman. Natural, andyan ang mga taga media na katulong sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon,” dagdag pa ni Tarriela.

Ayon pa rito, kailangang respetuhin ng mga bansang internasyunal , maging ng mga lider nito, ang ipinaglalaban ng bansa.

Noong una, dagdag pa ni Tarriela, pinagdududahan ng iba’t ibang mga bansa ang kakayahan ng Pilipinas sa pagsalag sa pinag-aagawang WPS dahil naniniwala silang wala sa kalingkingan ang lakas ng bansa para depensahan ang isla mula sa umaangkin na mga bansa.

Ang solusyon ni Pangulong Marcos: Iparating sa iba’t ibang panig ng mundo ang totoong nangyayari sa WPS at ang kalagayan ng Pilipinas mula sa higanteng bansa na kumakamkam dito.

Sinabi ni Tarriela na walang humpay ang pagbibigay ng totoong impormasyon at pare-parehong detalye saan man magsalita si Pangulong Marcos.

“Ito ang tinatawag na ‘a whole nation approach’ kung saan isa lamang ang ilalabas na totoong impormasyon at kailangang nakatono ang galaw galing sa nakatataas. Hindi kanya-kanya. Hindi sariling opinyon,” ayon pa kay Tarriela.

Sa bawat paglabas ng bansa ni Marcos ay hindi maaaring hindi mapag-usapan ang WPS dahil maging ang iba’t ibang mga bansa ay gusto na itong pag-usapan.

Makalipas ang isang taon, dagsa na ang mga bansang kumokondena sa pangangamkam ng China sa WPS tulad ng Amerika, Japan at Australia. Maraming grupo – sibilyan at mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan – ang boluntaryong nakikipagbaka at sumusuporta para sa Pilipinas.

Ayon pa kay Tarriela, sa kasalukuyan ay mahigit sa 80% na ng mamamayan ang may kaalaman, sapat man o bahagya dahilan para mamulat sa totoong kalagayan ng WPS at Pilipinas laban sa China.

“Masasabi naming nasa tamang landas kami. At kung pagbabasehan ang mga ginagagawa ng gobyerno, masasabing panalo tayo sa laban,” sabi ni Tarriela.

Idinagdag pa ni Tarriela na nagsisimula pa lang ang ‘laban’ . Epektibo ang inumpisahang istratehiya ng gobyerno at magpapatuloy ito hanggang sa huli.

Tags: WPS

Post navigation

Previous CA approves Hans Cacdac’s appointment as DMW secretary
Next Young Gun member chides VP Sara: Let husband, brother face House probe

Related Stories

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

Preparing for the Worst 
  • Opinion

Preparing for the Worst 

House of Representatives
APRIL 14, 2026
ODDNEWS

  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet
  • Sole survivor of Air India crash recounts escape

Source: USD/PHP @ Sat, 18 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter
  2. Fcb88 Uy Tín on Former DPWH usec Cabral found unresponsive near Kennon road

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.