Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Pangalan ng Pangulo kaladkad ng sindikato

Ni Angel F. Jose
Metrosundaily January 13, 2022

SA gitna ng pagiging abala ng Pangulo sa hamong dala ng nakamamatay na mikrobyo, tila hindi na namalayan ng Palasyo ang pamamayagpag ng isang malaking sindikatong nakapambibiktima gamit ang pangalan ng punong ehekutibo.

‘Yan mismo ang napag-alaman ng pamahalaang bayan ng Angono na mas kilala sa mga alagad ng sining sa likod ng mga obra maestrang dibuho.

Sa nakabibighaning bahagi ng Angono namayagpag ang FSRC Land Development Corporation na umaangkin sa mga lupang titulado.

Ang diskarte ng grupo, gumamit ng mga pinekeng dokumento mula sa Palasyo, sukdulang pwersahin ang mga taong munisipyo para maglabas ng mga dokumentong patungol sa assessment at tax declaration na gagamitin sa kanilang panloloko.

Ang siste, hindi madaling mapaniwala ang mga mapanuring taong munisipyo. Sa halip na masindak, pinili ng Angono LGU na magberipika sa paandar ng sindikato.

Ang resulta – tama ang kanilang hinala. Ang nagpapanggap na lehitimong negosyo, isa palang manggagantso.

Hindi kanila ang lupa sa maalindog na Barangay Mahabang Parang kung saan libo-libong pamilya ang nananahan.

Ang masaklap, marami na ang nasilat. Perang pinaghirapan, nakuha na pala ng mga kawatan.

Bukod sa FSRC, may dalawang grupo pa ng manggagantso – ang Daup Palad Foundation at mag-asawang kilala sa pangalang Guido.

Pero iba ang diskarte ng Daup Palad Foundation. Kanilang bungad, dangkal-dangkal na pekeng titulo.

At ang mag-asawang Guido? Kanila daw ang Hacienda de Guido na bumabagtas sa mga bayan ng Cardona, Binangonan Taytay at Angono.

Ang totoo, maraming kumakagat sa patibong ng mga naturang sindikato. Dangan naman kasi pahirap ang proseso ng gobyerno sa murang pabahay para sa pamilyang Pilipino.

Ang solusyon – ipasa sa LGUs ang poder sa mga programang pabahay lalo pa’t sila naman ang nakakabatid kung alin sa mga umaangkin ang peke at tunay.

Pero teka, hindi sapat ang puro pangangasiwa ng problema, marapat lang pati pondo sa kanila ipamahala, kalakip na mahigpit na pagsusuri ng Commission on Audit at iba pang ahensyang mandato’y murang pabahay para sa mga maralita.

metrosundaily

Post navigation

Previous Shear line, monsoon affects parts of PH
Next More than P1M worth of shabu confiscated in series of drug ops in Taguig

Related Stories

The line has been crossed: Standing up to unlawful acts in Ayungin shoal
  • Opinion

The line has been crossed: Standing up to unlawful acts in Ayungin shoal

On China Daily’s racist depiction of Filipinos as monkeys
  • Opinion

On China Daily’s racist depiction of Filipinos as monkeys

Impeachment Trial Day 3: Call For Clarity, Call For Witnesses
  • Opinion

Impeachment Trial Day 3: Call For Clarity, Call For Witnesses

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 23 Jul.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. Webpanda on Adiong: Marcoleta rallies should not affect VP Duterte impeachment trial
  2. Obet on House prosec Ridon brings maleta with mangoes, wigs: Not all luggage contains cash

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Facebook
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.