Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Dahilan sa pagtakbo ni Duterte sa Senado, mabibigo

Ni Bernard Toledo
admin December 3, 2021

ISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidato sa pagkasenador sa halalang magaganap sa susunod na taon.

Ang dahilang binanggit ni Duterte sa kanyang pagtakbo ay upang ayusin daw ang maling ginagawa ng mga senador sa pag-iimbestiga o pagtatanong sa mga opisyal ng pamahalaan.

Naniniwala ang Pangulo na abusado raw ang mga senador dahil ipinapahiya ng mga ito ang mga opisyal ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya ng pamahalaan na nakasalang sa imbestigasyon ng Senado.

Dapat daw hindi pinupuwersa ng mga senador ang mga opisyal ng pamahalaan na isinasalang sa imbestigasyon.

Posibleng manalo

Kung maisasalin sa boto ang pananatili ng kanyang popularidad sa mga Pilipino, posibleng manalo pa rin si Duterte sa eleksyon sa Mayo 9.

Kung magwawagi, makakasama niya ang kanyang mga ‘bataan’ na sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Makakasama rin niya ang kanyang mga kaaway na sina Senador Richard Gordon, Senadora Leila de Lima at dating Senador Antonio Trillanes IV kung mananalo ang tatlong ito.

Kaya, magandang panoorin ang Senado sa susunod na anim na taon mula 2022 hanggang 2028 dahil makikita natin kung paanong mag-uusap, magpapalitan ng mga ideya at kung ano ang mangyayari kapag makipagdebate ang pangkat nina ‘Senador’ Duterte, Go at Dela Rosa sa tropa nina Gordon, De Lima at Trillanes. Kapag manalo si Duterte, pihadong mabibigo siyang ‘disiplinahin’ ang mga senador sa gusto niyang dapat ikilos at gawin ng mga senador, sapagkat noong minsang maging kongresista si Duterte ay hindi naman niya narendahan ang mga imbestigasyon at diskarte ng mga kasapi ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Mga opisyal na pamahalaan hindi napatino

Simula nang maging Pangulo siya ng bansa noong Hunyo 30, 2016 ay hindi nga niya napatino ang mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa paghawak at pangangasiwa ng pera ng kani-kanilang tanggapan.

Hindi nga napatigil ni Duterte ang mga korap na opisyal at kawani ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya ng pamahalaan mula sa pangungurakot.

Katunayan, hanggang kasalukuyan ay patuloy sa pangungulimbat ang mga korap sa gobyerno tulad sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP), Bureay of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor) at iba pa.

Senado pa kaya na maliit lang kung ikukumpara sa buong burukrasya? Kung nabigo si Duterte sa sangkaterbang ipinangako na kanyang babaguhin kapag naging pangulo siya ng bansa ay hindi nakapagtatakang mabibigo rin siyang baguhin ang Senado.

Hindi uubra sa kapwa senador

Kahit matapang at mahilig siyang magmura, siguradong hindi ‘yan uubra sa mga senador dahil mayroon din silang sariling tapang at siyempre marunong din silang magmura at magalit.

Higit na kapani-paniwala kung ang sasabihin ni Duterte na rason sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador ay upang manatili sa pamahalaan, samakatuwid, manatili sa kapangyarihan.

Post navigation

Previous Dargani, Ong mamamatay pag ‘kumanta’ – De Lima
Next GALING BATAAN TRADE FAIR

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 1 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.