Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Batas na kalasag ng mga katutubo

admin March 13, 2022

HABANG abala ang mga mamamayan sa nalalapit na halalan, palihim na niluluto ang isang sabwatang hangad ay pangangamkam ng malawak na kabundukan sa isang karatig na lalawigan.

Ang target ng mga damuho, tahanan ng mga katutubo.

Gamit ang kasunduang nilagdaan ng isang yumaong kalihim ng isang departamento ginigipit, tinatakot at pinapalayas ang mga katutubo.

Ang masaklap, pati ang Presidential Decree 324 na nagpapatibay ng pananatili ng mga katutubong Dumagat sa bulubunduking bahagi ng Baras, Rizal, sukdulang yurakan.

Ang totoo, hindi na bago sa Rizal ang isang pamilyang pumupusturang tagapagtanggol ng kalikasan. Katunayan, ang kumpanyang pag-aari ng kanilang angkan, minsan nang binaboy ang nasabing lalawigan kung saan nila ginawang basurahan ang 105-ektaryang bahagi ng Marikina Watershed noong panahon ni dating pangulong Fidel V. Ramos.

Nang matapos ang kanilang kontrata, iba naman ang pinuntirya – hindi kalayuan pero 27 ulit na mas malaki sa kanilang unang pinagkakitaan, ang ancestral domain ng mga Dumagat.

Giit ng pamilyang ganid, may kasunduan silang nilagdaan sa isang kagawaran.

Anila, sila’y itinalagang tagapagtanggol ng kalikasan sa mismong Marikina Watershed na kanilang binaboy at pinagsamantalahan.

Ang problema, nagkamali sila ng puntirya.

Hindi pala bahagi ng Marikina Watershed ang tahanan ng mga Dumagat.

Malinaw ang probisyon sa ilalim ng Presidential Decree 324 – hindi pasok sa Marikina Watershed ang tahanan ng mga Dumagat na protektado ng isa pang batas na kumikilala naman sa karapatan ng mga katutubo sa kabundukang naging tahanan nila mula sa sa kanilang mga ninuno. Gayunpaman, tila desidido silang igiit ang interes sa napakalawak na teritoryo gamit ang kwestyunableng dokumento.

Anila, mas mabisa ang bagong kalatas kesa sa sinaunang batas.

Eh sira pala mga ulo ng mga gagong ito!

Gayunpaman, gago man silang ituring may pag-asa pa rin. Ang kanilang kasakiman sinamahan pa ng mga bugok sa pamahalaan.

Sa isang pulong balitaan, tinalakay ang kwestyonableng Memorandum of Agreement na nilagdaan ni dating Environment secretary Gina Lopez.

Ayon sa mga bugok, panahon nang repasuhin ang kwestyonableng MOA.

Ang masaklap, hindi pa rin papabor sa mga katutubo.

Sa isang banda, tama rin naman sila.

Ano nga ba naman ang kanilang mahihita sa mga katutubong wala na aral, wala pang yaman.

Tags: batas katutubo

Post navigation

Previous PH opens doors to all foreign tourists as arrival requirements ease starting April 1
Next Sinovac OK na gamitin sa mga bata 6-anyos pataas

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Fri, 1 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.