MAAARI nang gamitin ang CoronaVa ng Sinovac, ang Chinese vaccine para sa Covid-19 sa mga batang 6-taong gulang pataas.
Ito ay matapos payagan ng Food and Drugs Administration ang paggamit nito sa mga bata, ayon kay
IP Biotech Group chairman Enrique Gonzales.
Ang IP Biotech Group ay ang pharmaceutical consortium na nagsasaayos ng pagdating ng mga biniling Sinovac ng pribadong sektor. Sinabi ng Biotech na inaprubahan na ng FDA nitong Sabado ang paggamit ng Sinovac sa mga bata.
Sa walong pahinang dokumenta na nilagdaan ni FDA officer-in-charge director general Dr. Oscar Gutierrez Jr, sinabi nito na malaking tulong sa mga bata na malabanan na ang nakamamatay na sakit matapos itong bigyan ng go signal ng FDA.
