WALA umanong nakitang foul play ang kapulisan sa kaso ng isang Pinay na nakitang palutang-lutang sa Tsing Yi pier sa Hong Kong, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni DFA Assistant Secretary Paul Cortes na ang babaeng OFW, 50-anyos, ay nakitang patay noong alas-6 ng umaga ng Hulyo 13.
“According to the initial investigation [of Hong Kong authorities], there is no foul play being looked at. But of course, we have to wait for the official report on the cause of death,” sabi ni Cortes sa public briefing.
“We have to wait for the official report on the cause of death. But for now, no foul play, and there is no person of interest,” dagdag pa nito.
Ipinaalam na rin sa employer gayundin sa pamilya sa Pilipinas ang sinapit ng biktima.
Humingi rin ng privacy ang pamilya ng Pinay, gayundin ang sanhi ng pagkamatay at pangalan nito.
Inihahanda na rin ang mga dokumento upang mabilis na maiuwi ang bangkay ng biktima.
Sinabi sa report na nagpaalam ang biktima sa kanyang amo na makapag dayoff ngunit hindi na umano ito nakauwi.
