Courtesy: The National
WALANG iniulat na namatay o nasaktan ng Pinoy sa gitna ng malawakang pagbaha sa Dubai, United United Arab Emirates, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Miyerkoles.
“Severe flooding reported, per local media and other sources. No dead or injured Filipinos — hoping this remains so,” sabi ng DMW.
Mayroong 421,686 Pinoy na nasa Dubai mula noong Hunyo 2023.
Samantala, tiniyak ng DMW na magbibigay ng food items at iba pang pangunahing pangangangailan sa mga overseas Filipino workers sa natruang bansa.
Paralisado na ang Dubai, ayon sa mga news report dahil sa malalakas na pag-ulan dulot na rin ng malawakang pagbaha sa United Arab Emirates at Bahrain kung saan 18 na ang iniulat na nasawi.
